I Want to Learn PHP & MySQL

Gusto ko talagang matutunan ang PHP & MySQL, ever since first year college pa ako. Ito talaga ang reason ko kung bakit ako nag-IT. Pero ngayong fourth year na ako, hindi ko pa rin na-aachieve ung gusto kong malaman. Inis + tamad tuloy ako ngayon.

Nung fourth year high school pa ako, meron kaming project na website. Na-frustrate tuloy ako kasi hindi namin na-achieve ung gusto naming ouput. So naisip ko na magtake ng IT, gusto ko kasi maging web developer.

Nalaman ko na lang nung first year ako na sa 3rd year pa ituturo un, un kasi ung nasa curriculum namin eh. Tagal kong naghintay. Nung tinuturo na, taas ng expectations ko. Excited ako. Sabi ko sa sarili ko, “eto na un!” Malalaman ko na rin sa wakas ung mga gusto kong malaman. Pero, natapos ang sem. At nasabi ko naman “un lang un?”. Eh, basic lang natutunan ko! At ung basic na un eh alam ko na dati pa. Kaya nga ako nag-IT eh para may magturo. Ayoko na kasi manood ng mga online video tutorial! Nakakaboring. Nakakaantok. At hindi mo pa matatanong ung nagtuturo, syempre nasa video lang sya.

Dismayado talaga ako. Up to now. Akala ko talaga, ineexpect ko na, dapat man lang, sana man lang, o kaya naman! … Hindi ko na alam. Iniisip ko, non-sense na pag-aralan ung mga susunod na programming language. Hindi ko kasi natutunan ung gusto kong matutunan.

Ano sa tingin nyo ang dapat kong gawin? I really feel so sad because of this.