Surprise Advance Birthday Party

birthday-banner
I want to thank God for giving me friends like them. Just having them around me is already one of the best gift I could ever receive in life. They did a lot of effort just to give me a surprise birthday party. I will never forget that moment when everyone made their contribution for that special celebration.

Ganito kasi un eh: Chula Vista Inn Salitran. Around 6:57 PM ng dumating kami dito ni Jhoy. Ang sabi sa kin ni Jhoy eh titignan namin ung venue for her surprise for Kuya Ambo, something like that before. Pero pagdating dun, naisip ko na, hmmm… parang iba na to ahh. Binuksan ang pinto at ilaw. First time ko makapasok sa motel. May sala din pala dito akala ko kama lang! Tapos umakyat na kami. Binuksan ang pinto at ilaw. Sabay rinig sa malakas na “Happy Birthday Xander!”. Dali-dali na silang nagtakbuhan at lumapit at bumati sa akin ng “Happy Birthday!”. Then pinaupo ako at pinapanood sa akin ang mga video greetings at messages ng iba pa naming classmates. Tapos kumain kami. Nanood. Nagkantahan. Harutan. Kwentuhan. Soundtrip. At marami pang iba…

party-foods-cake-marshmallow

Inisip ko nga eh, wait, what? Deserve ko ba lahat ng to? I mean, after all ng pagiging selfish ko at pagtitipid sa kanila eh ang laki ng effort nila para bigyan ako ng ganitong surprise birthday party? Sa pagrent ng room, sa foods like cake, pinya, marsh mallows, mga chichiria, sa party popper, sa party hat, sa preparation at sa marami pang iba. Ok, I was thinking again about the expenses, yeah, may contribution din naman lahat dito but the thing is I think this celebration is really expensive. Pero, kahit na ganun eh di sila nag-atubili na gawin to para sa akin.

birthday-surprise-from-patola

Yes. I already got the idea that there will be something that will happen. Something na parang napapanood sa movies. Pero sabi ko sa sarili ko, ayoko syang ma-spoil. Gusto kong ienjoy kung anu man ung posibleng mangyari. Sumagap na nga rin sa utak ko na baka may nirentahang babae tong mga to kaya sa motel ang venue! lol.

love_patola

Sa ngayon, hindi ko kayang tapatan o higitan ung birthday celebration na ginawa nila sa akin. Pero pangako ko sa sarili ko na pag mejo maganda na ung inflow ng pera ko eh one day, masusuklian ko rin kahit papaano ang kabutihang ginawa nila sa akin.

patola-surprise-birthday-party

Thankful talaga ako at masaya na meron akong mga kaibigan na katulad nila. Patola – Jhoy, Elyssa, Du, Ariane, Agnes, Penny, Ella, Billie, Gierome, Maya, Kwek, maraming maraming salamat talaga. Sa classmates ko sa BIT46, tsaka kay Mam Dang at Arman, thank you din! Sa mama ko, kapatid, tita at lola na kinausap nila, salamat ng marami. Eto ung mga taong hinding hindi ko makakalimutan sa buhay 🙂 Sa lahat ng may pakana nito, it really made my birthday extra extra special.

…oops, sa March 6 pa pala totoo kong bday 🙂 to be continued…